Iikot ang istorya sa limang kabataan na nagmula sa magkaibang estado ng buhay.
Sila Catherine at Michael ay dalawang kabataan na nang galing sa magandang pamilya. Ngunit sa mga bagay na dala na pagiging mayaman ay kanilang natutunan na hindi sa lahat ng bagay ay pera lang ang katapat.
Sila Ina, Maya at Gela naman ay nang galing sa mahirap na pamilya. Sila ay inampon ng isang lola na nag titinda ng mga sigarilyo at kendi sa labas ng simbahan. Sila man ay nakapagtapos ngunit hanggang elementarya. Mula nang nagkasakit si lola Pasing, ang lola na umampon sa kanila ay sila na ang nagtrabaho upang bumili ng gamot ni lola Pasing at para rin sa kanilang pagkain.
Nagkita ang limang kabataan sa isang charity event ng inorganize ng eskwelahan nila Catherine at Michael. Dito rin nag simula ang istorya kung saan natuto ang limang kabataan na mayaman man o mahirap ay hindi masaya sa mga bagay na kanilang natatamasa.
Natutunan nila Ina, Maya at Gela na ang pera ay hindi hadlang sa edukasyon na kanilang inaasam habang sila Michael at Catherine naman ay natuto na sa simpleng pag-aalala sa ibang tao ay malaking bagay na sa kanila.
Tinulungan nila Michael at Catherine sila Ina upang makakuha ng scholarship at sponsor para sa kanilang pag-aaral.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment