Falling into your eyes

I'll be waiting until the day my heart is ready to let go

Saturday, August 7, 2010

Nikolai

Mayroon isang lalaki lumaki sa mayaman na pamilya ngunit sa mga hindi inaasahang pagkakataon sa kaniyang buhay mula sa mayaman na estado ng pamumuhay sila'y naghirap. Napilitan siyang tumigil sa pag-aaral pagkatapos mamatay ng kanyang ama.

CONFLICTS:

1. Kahirapan-biglaang pagbabago sa kanyang buhay
2. Kaibigan-napawara ang kanyang buhay
3. Pag-ibig-nagkagusto siya ngunit mawawalan ng pag-asa sa una dahil sa magkaibang estado nila ng babae.
4. Galit at Inggit-dahil lahat ng kapatid niya ay nakatapos ng pag-aaral sa magandang Unibersidad.

Tanghali na kung gumising si Anton. Ganito nagsisimula ang araw niya, pagkabangon niya't maliligo lang at aalis na sa kanilang bahay. Puro tamabay, inom at pagbubulakbol ang inaatupag ni Anton sa maghapon. Bukod sa tumulong sa pamilya, dagdag sa pasanin at sakit ng ulo ang binibigay ni Anton sa kanyang nanay at mga kapatid.
Gumawa ng paraan ang kapatid ni Anton na baguhin ang buhay niya at subukin na mailigtas pa siya sa kanyang magulong landas na tinahak. Nakahanap sila ng scholarship para kay Anton.
Sa simula, nahirapan si Anton na muling ibalik sa ayos ang kanyang buhay dahil na rin sa impluwensya ng barkada niya. At muntikan pang mawala ang kanyang scholarship. Pero naiba ang lahat ng makilala niya si Jam.
Si Jam ay estudyante din sa pinapasukang Unibersidad ni Anton. Siya ay maganda, simple at matalino. Dahil dito, hindi malayong magkagusto kahit sino sakanya. Sinubukang magbago ni Anton para makuha ang loob ni Jam.
Masyadong magkalayo ang katangian ng dalawa, kaya't sa simula ay sinabihan na siya ng kanyang mga kaibigan na huwag maging malapit kay Jam. Pero hindi napigilan ni Anton bugkos lalo siyang napamahal kay Jam.
Dahil kay Jam, tinigil ni Anton ang kanyang bisyo. Kinalaunanan naintindihan na ng kayang mga kaibigan na binabago na niya ang kanyang buhay. Kung una, puro pagiimpluwensya ang ginawa nila. Ngayon, buo na ang suporta nila kay Anton sa kanyang pag-aaral at sa pagkagusto nito kay Jam.
Tinulungan nila ang kaibigan para mapalapit kay Jam at hindi kinalaunan napaibig neto ang dalaga.
Natuwa ang lahat sa pagbabago ng buhay ni Anton lalong lalo na ang kanyang pamilya. Kahit sa akala nila wala ng pag-asa, meron pa rin pala. Basta nanaig ang kagustuhan mo na mag bago magagawa mo eto.

TURNING POINTS: Ang muling pagpasok sa eskwela ni Anton at ang pagbabagong ginawa niya para kay Jam a sa sarili na din niya.

No comments:

Post a Comment